More servicesWindows Live
HomeHotmailSpacesOneCare
 
MSN
Sign in
 
 
Spaces home  Eduardo's spacePhotosProfileFriendsMore Tools Explore the Spaces community

Eduardo's space

looking around, sexy, friends
View space
pat and mic
View space
meresa
View space
shaju
View space
mikaela
View space
bury your dead
View space
iamextraordinary

by 
by 
by 
No list items have been added yet.
welcome sa inyong lahat sa space ko, pasens'ya na kung 'di pa maayos 'to, ngayon lang ako nagbukas muli. Thanks for visitingEmbarrassedEmbarrassed
October 21

De-estabilization Na Naman



Malapit na naman ang election, kung kailan malapit na ang election atsaka kung ano-ano ang mga isyu, nand'yan ang kay Gov. Panlilio, impeachment ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ZTE scandal, at pag-bomba sa Glorietta, Makati. Sino kaya ang may pakana ng pag-bomba sa Glorietta at hindi man lang nabahala sa isipin na siguradong maraming mamamatay, maraming mamamatay dahil lamang sa pansariling interes ng grupo nila, o grupo ng mga opposisyon politikal na gustong makinabang kung sakaling magkagulo o mapaniwala ang mga tao. Kawawa naman ang mga ka-anak ng mga nasawi, bigla na lang sila naulila.

Siempre nga naman, kapag ganyan may bombahan kung saan-saan iisipin ng mga tao na mahina ang gobyernong Gloria Macapagal Arroyo, siguradong ang nililigawan ng mga politikong si Speaker Joe de Venecia e, sasama na sa mga politikong gusto mag impeach kay pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Kailangan kasi nila ng 1/3 ng mga congressman para maisulong ang kanilang impeachment. D'yos ni Jesse James na buhay 'to e sa tingin ko naman kahit sino maupo d'yan, uunahin mangurakot, hehehehe bawi capital, magpapayaman muna, ewan lang, kung intindihin pa ang mga tao.

Nand'yan pa ang problema tungkol kay Gov. Panlilio, bulilyaso ang Malacanang, akalain mo nga naman, binigyan na, nag-sing-along pa hehehehe, pinakita pa sa television na iisang uri ng paper bag ang pinaglagyan ng grease money. Hay buhay, tax ng taong bayan 'yan ha, patay tayo d'yan.

Mayroon pa, tungkol naman sa ZTE hehehehe sangkot naman ang comelec chairman, walanghiya, ang lalakas mag-kickback. 'di na dumaan sa bidding, sus, daan Milyon, kahit nga naman 'di na mag-hanap-buhay ngayon e hehehehehe kaya siguro nag-resign, joke.

Aling Gloria kapag ganyan ang mga cabinet members mo at mga elected official, nakupo, mag-ingat ka, talagang gagawa ng paraan ang mga 'yan na mapatalsik ka. E, sa akin mas pabor pa ako kapag matagal na naka-upo sa posisyon ang isang pangulong o isang elected official hehehehe at least, busog na hehehe, ngeeeeeee, pero ganoon pa rin, hindi na garapal. Patay ang taong bayan, e bakit kase, kapag nasa-ibang bansa, nakow si Juan de la Cruz, behave na behave, follow all the rules hehehe, ano kaya sekreto, alam ko na, malake ang suweldo, habang nabantot ang pwesto nalake ang sweldo, i mean, habang nahirap ang trabaho nalake naman ang sweldo.

Huwag mawalan ng pag-asa Pinoy, hanggang kaila 'yan na lang ang itanong.
October 16

Paano Na Ang Pinoy

Mahirap talaga sa Pilipinas, kase, tingnan mo ha! kapag ang isang Filipino ay may na-imbento na isang makina at teknolohiya, gaganda kaya ang buhay niya, kaunti lang siguro ang iaasenso niya kung dito lang siya sa Pilipinas, dahil dito, mahirap kumuha ng mga financier o government back-up para umunlad at mapagbuti o mapaganda at maging world class ang imbensiyong Filipino.

Isang halimbawa, tingnan mo ha, ang naka-imbento ng flourescent bulbs ay isang Filipino pero sino ang nakikinabang, dahil kulang sa suporta ang pamahalaang Pilipinas ipinagbili ng naka-imbento sa kumpanyan GE ang kanyang imbens'yon, tapos ngayon, tayo naman bili ng bili ng mga flourescent na 'yan dahil, aminin natin, maginhawa naman sa mata kaysa sa light bulbs lang. Kung sana tayo na rin ang nagpa-unlad sa imbensiyon na ito. Okay sana.......pero......ibang bansa ang nakikinabang at tayo ay mga customer lamang hehehehehe, hay buhay Filipino.

Napanood ninyo siguro sa tv patrol o kung saan man programa ang tungkol sa Filipino na naka-imbento ng paraan para mapabilis n'ya ang pag-electrolysis sa tubig para bumilis ang paghihiwalay ng tubig sa mga elementong hydrogen at oxygen. Nasaan na kaya siya, hehehehe matagal na nanawagan ang tao na suportahan siya ng gobyerno, kung wala, wika niya e dadalhin niya sa ibang bansa dahil may mga interesado na sa kanyang imbensiyon, kapag nagkataon tayo na naman ang customer ng imbensiyon na 'to.

Sana lang, kapag tungkol sa mga teknolohiya o mga imbens'yon ng mga kapwa natin Filipino e suportahan ng gobyerno para 'di na ibang bansa ang makinabang at tayo naman ang maging customer. Mahirap talaga kase kapag nadale ka ng bureacracy hehehe.....turuan ng turuan.
October 15

Environmental Awareness

Naku, iba na ang panahon ngayon, kase, siguro, sa dami na ng tao sa mundo, kaya kung ano-ano na ang nangyari sa ating kapaligiran. Ang tinatawag na Global Warming alam o narinig na ba ninyo ito, alam ba ninyo kung ano ang epekto nito sa kalusugan ng mga tao, o sa environment natin mga mag-kakapit-bahay?

May mga scientist na nagtungo sa Greenland at napansin nila na ang dagat na dati e puro yelo ngayon e tunaw at tubig na, sabi nila 'di naman dating ganyan dahil dati puro yelo lang, siguro, sa laot pa ang tubig. Alam mo naman ang mga tao sa Greenland hehehe buhay-yelo 'yun bang karamihan sa environment nila e yelo ang makikita mo, kaya sila e kailangan mag-hunting ng whales o elephant seals para maka-survive, napansin din nila na kakaunti ang mga elephant seals na nagagawi sa hunting ground nila, eto, siguro e dahil sa kakulangan ng mga yelo sa pagligid.

Malaki rin contributor sa Global Warming ang ating mga itinatapon sa himpapawid na mga cfc o chloro-flouro-carbon na mga kemikal na ginagamit natin malimit bilang refrigerant sa ating mga refrigerator at air conditioning, 'yan ang mga kemikal na sumisira sa ating ozone, kapag marami tayong itinapon na cfc sa himpapawid nanipis ang ating ozone layer.

Kaya kailangan, bilang isang tao, e, maging aware ka sa mga ginagawa mo sa kapaligiran, hehehe huwag basta tapon ng tapon ng mga kung ano-ano sa mga kanal maski hindi pa na-treat ang mga waste ng kumpanya mo o pabrika, o hospital, etc. etc. o kaya naman ang gamitin mong kotse e fuel cell car hehehehe BIGTIME

Smiley Smiley Smiley

October 12

Daily Routine

Sa umaga, pagkagising, siempre magkape muna, maghilamos, mag-toothbrush, maligo, maglinis at magpunta sa palengke, magluto, kung may labahin 'di maglalaba at mag-internet.......hay buhay.
Sa tanghali, pagkakain, manood ng tv, mag-siesta, mag-internet, mag-text, manood ng tv, manood ng tv, manood ng tv, hehehehe...........hay buhay.
Sa hapon at gabi, magdilig ng halaman, maglinis ng canal, maghugas ng pinagkainan, manood ng tv, manood ng tv, manood ng tv, mag-internet, mag-text......hehehehehe.......hay buhay
Kaya ganyan, hehehehehe LAGI WALANG PERA.........hay buhay, ano ba 'yan?

Lost and Found

Kainis, hirap talaga ng computer illeterate, hehehehe, limit mawala ng profile ko, kaya dami ng sign-up ko sa friendster. Kasi, kung bakit 'di ko ma-import o kaya ma-exp0rt ang mga entry ko sa blogs, gusto ko sana pagsama-samahin ang mga 'to.
Kaya, kung kayo ay isa sa mga friends ko, hehehe paki-update na lang po ninyo ang mga friendster ninyo, puro mukha ko na lang nakita ko sa ibang friends ko sa friendster, e, nakakahiya naman. Paki-delete na lang po, hehehehe, huwag delete, paki-delete, huwag delete, ewan sa'yo... Pasens'ya na lang...
Baka marunong kayo mag-import o kaya mag-export, help me, okay, pagsama-samahin ang mga pare-pareho........bye

Ang Ate Ko

Ang ate ko umuwi buhat o galing Amerika, pero, nasaan na siya? Bakit hindi ko pa siya nakikita, kilala pa ba ako noon o nakalimutan na niya na may kapatid pa siya dito. Galing siya ng Sto. Tomas, Batangas pero bakit hindi siya dumaan dito, galit ba siya sa akin?
Pasalubong, hindi naman mahalaga sa akin ang pasalubong niya, walang kuwenta, chocolate inubos ko kaagad hehehehehe masarap e, pero, mas masarap sana kung nakita ko siya hindi ang mga pasalubong at pera na galing lang sa kanya na ipinahatid lang sa kuya Toto ang nakapiling ko, talagang iba na ang bigtime hehehe.
Pero, ganun pa man, kahit katakot-takot ang problema ko sa kanila hehehe mahal ko pa rin sila......Love you all

Si Bayaw

Si bayaw, si bayaw ay talagang kupal kainiz 'di marunong makisama, mukhang pera. Paano ko ba sasabihin sa'yo, wala kang kwenta, sana 'di na lang ako naging ikaw, 'tang inang 'yan.

Ang Dalaw Ko

Sabi ko, nalimutan na ako ng ate ko, hindi kasi dumadalaw dito e, ilang araw na siya dito sa Pilipinas, parati pa siya nauwi sa Sto. Tomas, Batangas.  Hindi pala, kanina dumalaw siya, hehehehehe, sa wakas, siguro kaya umuwi ang ate ko gawa ko, naks, problema na naman, patay tayo d'yan.
Sabi ko, marami siya kasama, nag-isa lang yata siya umuwi sa Pilipinas e, sabi kasi nila, mag-tour ang mga kasama niya hehehehe siya ang tourist guide, ewan ko lang, kasi doon naman siya natigil kina bunso, hehehe hindi ko siya nakasama sa bahay.
Sabi ko, ngayon, hehehehehehe mahal din pala ako, heheheh I love you all ............babu

Magandang Umaga

Magandang umaga, lagi na lang ako nagigising ng madaling-araw, kakainis, sa lahat pa naman ng ayaw ko ang nagigising ng dis-oras ng gabi, hirap matulog ha.....magkakape, maninigarilyo, maghihintay na antukin muli, hay buhay, bago ka muli makatulog, ang tagal-tagal. Mabuti sana, kung kaya ka nagising ay dahil sa nananaginip ka hinde, e, talaga lang may-oras na basta ka na lang nagigising, e.

Sa Pilipinas

Sa Pilipinas, dito ka manirahan, lalo na kung ikaw ay mayaman, sarap, mura lang ang bilihin pati kapit-bahay mabibili mo hehehehehe i mean, kapag nakita ka nila na maraming ginagawa, tutulungan ka kaagad nila, 'di ba? Mura lang bilihin kung ihahambing mo sa abroad, pati labor mura lang, ang dolyar mo dami pagkain na mabibili.

Sa Pilipinas, dito ka manirahan, may dalawa (2) paraan para ka yumaman, hehehehehe una (1) pumasok ka sa pulitika, ubusin mo kaban ng yaman, kahit bundat ka na, huwag ka tumigil hehehe ganyan sila, mangangapital ng kaunti, tubong nilugaw wika nga Smiley Smiley pangalawa (2) mag-pari ka o kaya mag-madre ka hehehehehe dami ng abuloy hehehehe dami malalapitan malalaking tao para sumagot sa mga gastusin hehehehe Smiley Smiley

Sa Pilipinas, dito ka manirahan, ang laman ng d'yaryo puro tsismis, walang totoo, dati ang totoo lang ay petsa, pero, kung ikaw ay bilanggo luma pa ang mababasa mo kaya pati petsa 'di totoo Smiley Smiley

View more entries